Naririto.

isipin mo na nakikinig ako,

sa mga tanong na gumugulo, nalilito;

ibulong mo nalang at maaasahan mo,

pakinggan mo naririto ako.

di ko inaasahan na biglang huminto,

ang paggalaw ng paa sa  mundong ito;

kasama ako at ang mga pangako,

ang pagkilos ay sadyang lumiliko.

pipikit nalang ba at pakikinggan,

ang mga sigaw ng saloobin;

ang paghinga ay tila bilang sa daliri,

patigil-tigil, pagod na pagod na damdamin.

ba’t  kailangan gumulong ang palad,

kung pinaghirapan mo ang pag-akyat;

ba’t di mo masabi, ang tanong ko,

ang tanong na nandito sa ulo,

titignan mo nga lang ba?,

parang tumututok ng baril sa tingin;

mga salitang patutok sa ulo,

pakiramdam nang pagpitik ng gatilyo.

patay na ba ako?,

o sadyang namamanhid lang ako;

galawin niyo ako, pakigising,

bangungot ang sitwasyon ng mundo.

ano ang gagawin sa pagbabago,

sa mga mata na sumisimangot;

sa mga saya na kumukulubot,

sayong mga salita na magulo.

hindi ako ang ninanais mo,

pero handang nasa tabi mo;

kung ang mundo ay sadyang mapuot,

asahan mo ako ay naririto ako.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s