Ano ang Bago sa Bagong Taon?

Pakinggan mo ang sambit ng bawat isa, isa lang ang maririnig mo kundi “sana”. Sana na maging ganyan ako at maging ganito ako sa taong ito. Isang taon nanaman ang lumipas at tila wala nanaman nangyari sa atin. Nasan na ba tayo sa mundong ito? o baka hanggang salita nalang ang tayo kung saan man ang ating kinalalagyan.

Bawat pagpasok ng Bagong taon, kung hindi Swerte at ano ang magiging uso  nalang ang pinag-lalaangan natin ng pansin sa bagong taon, at sa mga Dokyumentaryo nalang natin makikita ang mga nangyari sa nakalipas na taon, at kung hindi trahedya ang naaalala, ay ang mga naghiwalay na artista ang binibigyan ng pagalala.  Hindi ka pa ba nagsasawa? o tila manhid ka lang ata sa mga nangyayari at pinaglalaangan mo pa ang pagpicture ng kinakain mo at ipopost sa facebook o twitter. Ano ba ang nagawa mong mabuti para sa iba at sa sarili mo noong nakaraang taon.

Halos araw-araw ako nakakakita at nakakarinig ng isang malaking tumpok ng mga tao sa kahabaan ng Mendiola habang ako ay pumapasok sa aking Paaralan sa Recto. Ang nagiisang SIGAW ng mga aktibista para sa iisang layunin, ay tila nakakaawang tignan o panoorin. Naisip ko ang mga Sigaw ba nila ay makakapagpakain ng isang bata sa lansangan?, o di kaya mabigyan ng damit ang mga batang natutulog sa gilid ng bangketa? Maganda ang hangarin ng mga taong ito, pero hindi ito ang solusyon sa panahon na ito.

Habang ako ay nasa Volunteer Activity noong Bonifacio Day at nitong Disyembre sa aking Grupo sa Gawad-Kalinga CYD Program, ang hirap at pagod ng aking tulong ay siyang saya sa pakiramdam na sa simpleng pagpapakain at pagtuturo sa mga batang lansangan ng Caloocan at Valenzuela napangiti mo sila at habang buhay nila aalalahanin ang mga bawat saglit. Sa pagbigay ng kasiyahan sa mga batang may Cancer sa National Children Hospital sa aming Charity Christmas Party ng Lex Cervus Fraternity, di mo aalakain na may mga sakit ang mga batang iyon at bukas o sa makalawa ay hindi mo na sila masisilayan dahil sa inda ng kanilang karamdaman. Sa simpleng pagsama sa activity sa pagpapagawa ng mga bahay sa mga walang bahay, sa pagiging bahagi na makatulong sa pag nenegosyo sa mga gustong magnegosyo.

Habang ako ay nagsusulat nito ay naisip ko na may isang bata ang giniginaw sa pagtulog dahil sila ay salat na makaupa ng masisilungan, may mga taong nahihirapan sa kanilang karamdaman at naghahanap ng pera upang makabili ng kanyang gamot, may isang taong namamatay dahil sa gutom at kahirapan. Hindi ito kasalanan ng sistema na gusto nating buwagin, kundi kasalanan mo ito dahil wala kang nagawa upang tulungan mo sila kahit sa simpleng bagay lamang. Simpleng gawa o aksyon na napangiti mo sila nababaunin nila na umangat sa buhay. kahit sa mga simpleng pasasalamat sa kanila ay makakatulong sa kanila ng malaki. kung ikaw ang tatanungin ko ngayon:

Nagpasalamat ka ba sa Security Guard habang kumakain ka sa Jollibee na dahil sa kanila secured ka?

Nagpasalamat ka ba sa Jeepney Driver bago bumaba na ng Jeep dahil naihatid ka sa destinasyon mo?

Nagpasalamat ka ba sa Tindera ng sari-sari store o supermarket na dahil sa kanila nakabili ka at sinuklian ka ng tama?

Nagpasalamat ka ba sa mga Magsasaka kundi dahil sa kanila may kanin tayong nakahain?

Nagpasalamat ka ba sa mga Mangingisda na kung saan may Isda tayong nakakain?

Nagpasalamat ka ba sa mga Doktor dahil may naisalbang buhay sa ospital ngayon?

Nagpasalamat ka ba sa Truck Driver dahil sa kanila ang mga produkto natin ay naihahatid?

Nagpasalamat ka ba sa mga Traffic Enforcer na dahil sa kanila maayos ang lansangan?

Nagpasalamat ka ba sa mga Karpentero na dahil sa kanila may isang bahay na nagawa?

Nagpasalamat ka ba sa Meralco dahil sa kanila may ilaw at kuryente ang gabi natin?

Sa NAWASA at MWSS dahil may tubig na dumadaloy sa gripo niyo? nagpasalamat ka ba?

Madaling gumawa ng bagay na may kabuluhan at makatulong kahit sa simpleng paraan, dahil hindi ang pagsigaw ng makibaka ang makakatulong sa pag-angat ng bawat isa kung hindi sa pagtulong sa kanila para makaangat sa buhay, ayon nga, “ang pang angat ng bawat isa ay hindi nakasalalay isa kung hindi sa atin lahat, sabay tayo sa pag angat, mauna man ako babalik ako at itutulak kita pataas” Ngayon, anong bago sa ating bagong taon natin? kung sa tingin natin ang pagkakaiba ng sitwasyon ng nakaraan taon at nitong taon ay isang pagbabago, nagkakamali tayo, dahil ang pagkakaiba ay hindi pagbabago. Ang pagbabago ay isang Aksyon na naitulong o maitutulong natin kung ano man ang pagkukulang ngayon at sa darating na taon.