ANG UNANG TULA KO PARA KAY F.

Sa una, Akala ko ay isa itong larong tagutaguan

na sa gitna ng maliwanag na buwan ay di pa tayo nagkikitaan,

na tila di ako alam kung ako ay taya o nawawala.

Pero  mga alitaptap ang tila nagpagising kasama ang mga bituin

na nagpapahiwatig na tapos na ang aking paglalaro

hahanapin kita at sasabihin na andito ako sa iyong tabi.

 

isang araw pagkatapos ng aking kaarawan, tinanong ko ang buwan…

kung napapagod ka rin ba? na sa tuwing hating gabi ikay nagsisilbing liwanag

sa dilim na daan, na sa kung dilim na paligid pero balik mo parin

ang mga ngiti, na siyang gabay sa aking pag-aaninag na mahanap siya.

 

Nung gabing noon, hiniling ko sa mga kalangitan na ikaw ay dumating…

 

Hindi ko hahagkan ang tadhana na sa alam ko ay tila di ito ipapagkakaila,

na mahawakan ko ang iyong mga kamay, ang buhok mo,

at iyong mga mata.

minsan, di ko alam na akoy tanga,

na nandiyan ka na pero pinagtatabuyan ka pa.

pero… wala ka pa pala…

 

AT NAKITA NA NGA KITA,

Eksakto ngayon, nakilala kita sa unang pagkakataon,

di ko na to papalampasin hawak ang salitang “Pangako”

at ang mga sagot na “Tiwala” at “Mamahalin kita”.

 

“Lungkot”, “Puot”, at “Nakaraan” mga salitang di ko masasabi

habang na sa tabi mo… sa biyaheng ito…

hayaan mo na samahan kita sa mga pagliko, diretso, at bawat mga kanto

asahan mo ako ang hawak mo.

sa mga bagay na di tayo sigurado, sana asahan mo sa biyaheng ito…

mananatili akong iyo… at sana manatili ka rin sa akin.

 

nung gabing noon, aking hiniling at nagpapasalamat… dahil sa gabing noon…

di ko pa alam ang salitang “Mahal”, minahal na kita…

ikaw ay aking minahal kahit di pa kita nakikita.

 

 

-CPT

 

June 25, 2017

4:22PM